NOVEMBER 25 Reflection for the Day

What you have may seem small; you desire so much more. See children thrusting their hands into a narrow necked jar, striving to pull out the sweets. If they fill the hand, they cannot pull it out and then they fall to tears. When they let go a few, they can draw out the rest. You, too, let your desire go; covet not too much, wrote Epictetus. Let me expect not too much of anyone, particularly myself. Let me learn to settle for less than I wish were possible, and be willing to accept it and appreciate it.

Do I accept gratefully and graciously the good that has already come to me through the Gamblers Anonymous Program?

Today I Pray

May I search my soul for those little hankerings of want that may keep me from delighting in all that I have. If I can just teach myself not to want too much, not to expect too much, then when those expectations are not satisfied, I will not be let down. May I accept with grace what the grace of God has provided.

Today I Will Remember

I, alone, can grant myself the freedom from want.

TAGALOG VERSION

Ika-25 ng Nobyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Mukhang mang maliit ang mayroon ka; ngunit hangad mo pa’y mas malaki. Tingnan ang mga bata na pinapasok ang kanilang mga kamay sa isang makipot  na garapon, na nagsisikap na bunutin ang mga kendi. Kung pupunuin nila ang kanilang kamay, hindi nila ito mabubunot at pagkatapos ay maluha-luha sila. Kapag binitawan nila ang ilan, maaari nilang ilabas ang natitira. Ikaw din, hayaan mo ang iyong pagnanasa; huwag masyadong mag-imbot, isinulat ni Epictetus. Nawa’y hindi ako masyadong umasa sa sinuman, lalo na sa aking sarili. Nawa’y ako’y matutong makuntento sa mas kaunti kaysa sa nais kong posible, at maging handang tanggapin at pahalagahan ito.

Tinatanggap ko ba nang may pasasalamat at buong kagandahang-loob ang kabutihan na dumating na sa akin sa pamamagitan ng Gamblers Anonymous Program?

Ngayon Ipinagdarasal Ko…

Nawa’y hanapin ko sa aking diwa ang mga maliliit na pagnanasa ng pangangailangan na maaaring humadlang sa akin na masiyahan sa lahat ng mayroon ako. Kung pwede ko lang turuan ang sarili ko na huwag maghangad nang sobra, huwag umasa nang sobra, tapos kapag hindi nakamit ang mga inaasahan na iyon, hindi ako mabibigo. Nawa’y tanggapin ko nang may grasya ang ipinagkaloob na biyaya ng Diyos.

Ngayon Tatandaan Ko…

Ako, mag-isa, ang makapagbibigay sa aking sarili ng kalayaan mula sa kakapusan.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.