MAY 26 Reflection for the Day

I know today that I no longer have to proceed on my own. I’ve learned that it’s safer, more sensible, and surer to move forward with friends who are going in the same direction as I. None of us need feel shame at using help, since we all help each other. It’s no more a sign of weakness to use help in recovering from my addiction than it is to use a crutch if I have a broken leg. To those who need it, and to those who see its usefulness, a crutch is a beautiful thing.

Do I sometimes still refuse to accept easily obtained assistance?

Today I Pray

God make me see that it is not a sign of weakness to ask for help, that the camaraderie of the group is what makes it work for each of us. Like a vaccine for diphtheria or polio, the Gamblers Anonymous Program and the strength of the group have proved themselves as preventives for slips and backsliding. Praise God for the tools of recovery.

Today I Will Remember

Help is as near as my telephone.

TAGALOG VERSION

Ika-26 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ngayong araw alam ko na hindi ko na kailangang magpatuloy mag-isa. Natutunan ko na mas ligtas, mas matalino, at mas sigurado kung ako ay magpapatuloy kasama ang mga kaibigan kong patungo rin sa parehong direksyon na tinatahak ko. Wala ni isa sa atin ang kailangang mahiyang humingi ng tulong sapagkat tayo ay nagtutulungan talaga. Ang paghingi ng tulong habang ako ay bumabangon mula sa aking adiksyon ay hindi isang tanda ng kahinaan, gaya ng paggamit ng saklay kung ako ay napilayan. Para sa mga taong nangangailangan, at para sa mga taong nakikita ang tunay nitong pakinabang, ang isang saklay ay isang napakagandang bagay.

Minsan ba ay tumatanggi pa rin akong tanggapin na madali lang humingi ng tulong?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Ipakita mo sa akin Diyos na hindi tanda ng kahinaan ang paghingi ng tulong, na ang pagsasama-sama ng grupo ang dahilan na gumagana ito para sa isa’t isa. Gaya ng isang bakuna para sa diphtheria o polio, ang Programa ng Gamblers Anonymous at ang lakas ng grupo ay napatunayang mga lunas kontra sa pagkadulas o pagbabalik sa adiksyon. Purihin ang Diyos para sa mga kasangkapang ito sa paggaling.

Ngayon tatandaan ko…

Ang tulong ay kasing lapit ng aking telepono.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.