MARCH 25 Reflection for the Day

If a compulsive gambler wants to live successfully in society, he or she must replace the power of gambling over his/her life with the power of something else—preferably positive, at least neutral, but not negative. That is why we say to the agnostic newcomer: If you can’t believe in God, find a positive power that is as great as the power of your addiction, and give it the power and dependence you gave to your addiction. In Gamblers Anonymous, the agnostic is left free to find his or her Higher Power, and can use the principles of the Program and the therapy of the meetings to aid in rebuilding his/her life.

Will I go out of my way to work with newcomers?

Today I Pray

May the Power of the Gamblers Anonymous Program work its miracles equally for those who believe in a personal God or in a Universal spirit or in the strength of the group itself, or for those who define their Higher Power in their own terms, religious or not. If newcomers are disturbed by the religiosity of the Program, may I welcome them on their own spiritual terms. May I recognize that we are all spiritual beings.

Today I Will Remember

To each his own spirituality.

TAGALOG VERSION

Ika-25 ng Marso

Pagninilay para sa Araw na ito

Kung nais ng isang adik sa pagsusugal na mamuhay nang matagumpay sa lipunan, dapat niyang palitan ang kapangyarihan ng pagsusugal sa kanyang buhay ng kapangyarihan ng ibang bagay—mas mabuti na positibo, kahit na niyutral, ngunit hindi negatibo. Kaya nga sinasabi natin sa bagong dating na agnostic o taong hindi naniniwala na kaya nating malaman na mayroong Diyos: Kung hindi ka makapaniwala sa Diyos, humanap ka ng positibong kapangyarihan na kasing dakila ng kapangyarihan ng iyong adiksyon, at bigyan mo ito ng kapangyarihan at pagdepende na ibinigay mo sa iyong adiksyon. Sa Gamblers Anonymous, ang taong agnostic ay pinahihintulutang malayang maghanap ng kanyang Higher Power, at maaaring gamitin ang mga prinsipyo ng Programa at ang therapy ng mga meeting upang tumulong sa muling pagbuo ng kanyang buhay.

Espesyal ko bang pagsisikapan upang makatrabaho ang mga bagong dating?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa ang Kapangyarihan ng Programa ng Gamblers Anonymous ay gumawa ng mga himala nito nang pantay-pantay para sa mga naniniwala sa isang personal na Diyos o sa isang Unibersal na espiritu o sa lakas ng mismong grupo, o para sa mga taong tumutukoy sa kanilang Higher Power ayon sa kanilang sariling mga nais, relihiyoso man o hindi. Kung ang mga bagong dating ay naaabala ng pagiging relihiyoso ng Programa, nawa’y tanggapin ko sila ayon sa kanilang sariling espirituwal na mga nais. Nawa’y kilalanin ko na tayong lahat ay espirituwal na nilalang.

Ngayon tatandaan ko…

Sa bawat isa ay kanyang sariling espirituwalidad.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.