MARCH 20 Reflection for the Day

The longer I’m in Gamblers Anonymous, the more important becomes the slogan First Things First. I used to believe that my family came first, that my home life came first, that my job came first. But I know today, in the depths of my heart, that if I can’t stay clean, I’ll have nothing. First Things First, to me, means that everything in my life depends on my refraining from gambling.

Am I grateful to be clean from gambling today?

Today I Pray

May my first priority, the topmost item on my list of concerns, be my abstinence from gambling—maintaining it, learning to live comfortably with it, sharing the tools by which I maintain it. When other things crowd into my life and I am caught up in distractions, may I still preserve that first-of-all goal: remaining free from gambling.

Today I Will Remember

First Things First.

TAGALOG VERSION

Ika-20 ng Marso

Pagninilay para sa Araw na ito

Habang mas matagal ako sa Gamblers Anonymous, mas nagiging mahalaga sakin ang slogan na First Things First o Unahin ang mga Unang Bagay. Naniniwala ako noon na ang pamilya ko ang mauna, ang buhay sa bahay ang mauna, ang trabaho ko ang mauna. Ngunit alam ko ngayon, sa kaibuturan ng aking puso, na kung hindi ako mananatiling malinis, mawawala ang lahat sa akin. Unahin ang mga Unang Bagay, sa akin, ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay sa aking buhay ay nakasalalay sa aking pag-iwas sa pagsusugal.

Nagpapasalamat ba ako na malinis ako mula sa pagsusugal ngayon?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y ang aking unang priyoridad, ang pinakamataas na bagay sa aking listahan ng mga alalahanin, ay ang aking pag-iwas sa pagsusugal—pagpapanatili nito, pag-aaral na mamuhay nang kumportable kasama nito, pagbabahagi ng mga kasangkapan na ginagamit ko upang panatilihin ito. Kapag dumarami ang ibang bagay sa buhay ko at ako’y naguguluhan ang isip, nawa’y panatilihin ko pa rin ang una-sa-lahat na layunin: manatiling malaya mula sa pagsusugal.

Ngayon tatandaan ko…

Unahin ang mga unang bagay.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.