MARCH 14 Reflection for the Day

One thing that keeps me on the right track today is a feeling of loyalty to other members of Gamblers Anonymous, no matter where they may be. We depend on each other. I know, for example, that I’d be letting them down if I ever gambled. When I came to GA, I found a group of people who were not only helping each other to stay clean, but who were loyal to each other by staying clean themselves.

Am I loyal to my group and to my friends in GA?

Today I Pray

I thank God for the loyalty and fellowship of the group and for the mutuality of commitment that binds us together. May I give to the group in the same proportion that I take from it. Having been a taker during so many of my years, my giving used to be no more than a commodity, for which I expected to be paid in approval or love or favors. May I learn the joy of pure giving, with no strings attached, no expectation of reward.

Today I Will Remember

A perfect gift asks nothing in return.

TAGALOG VERSION

Ika-14 ng Marso

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang isang bagay na nagpapanatili sa akin sa tamang landas ngayon ay ang pakiramdam ng katapatan sa iba pang miyembro ng Gamblers Anonymous, nasaan man sila. Umaasa tayo sa isa’t isa. Alam ko, halimbawa, na mabibigo ko sila kung magsusugal ako. Pagdating ko sa GA, nakakita ako ng grupo ng mga tao na hindi lamang tumutulong sa isa’t isa na manatiling malinis, ngunit tapat sa isa’t isa sa pamamagitan ng pananatiling malinis ang kanilang sarili.

Tapat ba ako sa grupo ko at sa mga kaibigan ko sa GA?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa katapatan at pakikisama ng grupo at para sa pagdadamayan ng pangako na nagbubuklod sa atin. Nawa’y magbigay ako sa grupo sa parehong proporsyon ng kinukuha ko mula rito. Palibhasa’y naging tagakuha ako sa napakaraming taon, ang pagbibigay ko noon ay hindi hihigit sa isang kalakal, na inaasahan kong babayaran sa pag-apruba o pagmamahal o mga pabor. Nawa’y matutunan ko ang kagalakan ng tunay na pagbibigay, na walang kalakip na kapalit, walang inaasahan na gantimpala.

Ngayon tatandaan ko…

Ang perpektong regalo ay walang hinihinging kapalit.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.